Monday, March 21, 2005

Ako ba 'to?

Hindi ko akalain na alam ko din pala ang magselos. Ewan ko ba at bakit ako'y nagkakaganito. Tapos lagi pa ako nag-iisip ng mga bagay bagay na keso ganito o ganyan. Hay nko, ano na nga ba ang nangyayari sa akin? Alam ko na hindi ito normal kaya nga nagkakagulo isip ko. Lagi na lang ako nagt-txt at tumatawag na parang na papraning. Pero napakasaya ko naman. Kase alam ko na mahal ko 'yong tao at tapat ako sa kanya. Siguro nga lang kase dami naghahabol sa kanya. Bakit nga naman pinanganak sya'ng maganda @ maputi. Pero higit sa lahat na nakakabaliw sa kanya ay ang kanyang ugali at mapupulang mga labi. Hay nko. In-love na naman ako. Heto na naman ako. Pang ilang beses na ito. Sana ito na.

Pero lately medyo napapansin ko na para yata meron nagbago. Ako ba? Sobra na ba pagmamahal ko? O siya? Ewan ko at hindi ko diretsong masagot at sobrang dami na ng tumatakbo sa aking isipan na pilit ko na lang kinalilimutan. Ayaw ko isipin na baka ito pa ay magkakatotoo. Sana hindi. Ayoko. Hindi ko kakayanin.

Sabi nga nila pag mahal mo 'yong tao eh dapat marunong ka mag-trust sa taong ito. Kaya nga pag medyo nagiisip ako at nami-miss ko sya inisip ko na lang sa sarili ko na "I trust you and I love you." Shit ang corny ko na ba? Hayaan nyo na lang ako at masaya lang ako hehehe.

Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa ngayon at sana akin itong makakayanan. Masaya ako at minsan ay nalulungkot pag sya ay hindi ko kasama. Pero ganyan talaga ang buhay. Ahhhhhhhh basta. Mahal ko sya at sinabi nya na mahal nya ako at 'yon ang importante. Sana hindi magbabago ang lahat.

No comments: