Nag-iisip na naman ako ng mga bagay bagay na mahirap bigyan ng explenasyon. Nahihirapan sa pagikot ang isip ko dahil sa mga walang kwenta nga naman 'yung mga pumapasok sa dati nang magulo kong utak. May mga tanong na alam mo na ang sagot pero ayaw mo pa din tanggapin at pilit pa din pinaniniwalaan ang mga bagay na gusto mo lang paniwalaan. May mga bagay na ganyan na talaga at 'di na pwede pang mabago pa pero gusto mo pa din baguhin kahit na alam mo naman na ito'y imposible. Nakakapagod man na isipin pero iniisip mo pa din.
May mga pangyayari sa buhay mo na ayaw mo na mangyari subalit nangyayari na lang ng kusa. Hindi mo kayang kontrolin ito kahit ano pa man ang gagawin mo. Minsan naman mayroong mga bagay na pinalipas mo na lang pero kapag nawala na pilit mo naman hinahanap at pilit makuha kahit ito'y wala na. Bakit nga ba hindi marunong makuntento ang tao. Bakit nga ba pilit natin hinahangad ang lahat. kahit alam na natin na ito'y kailan man hindi matutupad.
Pasensya na lang sa mga magbabasa sa sulatin kong ito. Malamang kayo ay malilito at hindi maiintindihan kung ano nga ba ang punto ko sa pagsulat nito. Kase nga ako mismo ay naguguluhan na din. Paumanhin po.
Heto ako ngayon sa station ko nag-aanatay ng tawag ng mga cutomers ko'ng kano na nagpapatulong sa problema nila sa internet. Habang nag-iisip sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan na hindi mabigyan ng mga kasagutan. Nakakapagod na nga itong ginagawa ko pero heto pa din ako patuloy sa pag-isip sa mga bagay na walang kwenta.
No comments:
Post a Comment